Pugad Baboy 20

Pol Medina Jr.

Tingnan mo nga naman ano? ‘Yung inumpisahan ko bilang pantawid-gutom e dalawampung taon ko nang kina-career. Naka-bente na ako. Yeheeeeey! Sabi ng mga kaibigan ko e sana mas maaga kong inumpisahan ‘to; e di sana mas marami akong libro ngayon. Pero kung ginawa ko ‘yon e baka hindi ako nakatpos ng pag-aaral. Eh okey lang naman daw dahil hindi ko naman nagagamit ‘yung pinag-aralan ko. Naitanong ko tuloy: Nasayang ba ‘yung oras ko sa kolehiyo? Naalala ko nung nagta-trabaho pa ako para sa isang prestihiyosong construction firm. Habang nakapila ako sa bangko para ihulog ‘yung sweldo ko e may nakasabay akong tindera ng isda na animo’y nakipag-wrestling ke Freddie Krueger. Duguan ‘yung apron n’ya, men, at tinalo ng kanyang eau de dalagang-bukid ang aking Aramis. Lahat kaming nakabarong at polong may kurbata e napatingin sa kanya. Lahat kasi kami e naka-sobre ‘yung pera samantalang ‘yung tindera e isang bayong na pera ‘yung ide-deposito n’ya. Nalaman ko rin na ‘yung tindero ng fishball sa tapat ng opisina e mas malaki pa ang kinikita kesa sa akin, —sa apat na oras n’yang paglalako! Aba! Nag-uumpisa s’yang magtrabaho ng alas dos at ubos na ‘yung paninda n’ya ng alas sais. Biro mo ‘yon? Als siyete pa lang e nakasawsaw na ‘yung ilong ko sa trabaho samantalang s’ya e pwede pang magkamot ng itlog hanggang tanghali, TAPOS MAS MALAKI ANG KITA N’YA SA AKIN?? Unfeyr! Binaggit ko sa nanay ko ‘to pero napa-"hmp!" lang s’ya at sinabing bukod sa walang glamour ‘yung pagiging underground enterpreneur e wala pa silang mga titulo. Well, ganyan talaga mga nanay. Ang gusto nila ay may anak silang Dr. Nado, Atty. Ratrat, Engr. Vana… para nga naman meron silang bragging rights pag nagtsitsikahan silang mag-a-amiga. Ang hindi niya alam e lahat kaming mga anak nilang propesyonal e umuutang ng pera sa kapitbahay naming college drop-out na mekaniko. Pero bagama’t hindi ako masyadong nag-enjoy sa kursong napili ko e nagagamit ko rin naman sa buhay ‘yung mga natutunan sa college: - Natuto akong kumalap ng impormasyon nang hindi kailangang magtanong sa ibang tao. - Natutunan kong mas malaya akong makipagkaibigan sa kahit sino nang hindi ako sasali sa fraternity - Natuto ako ng tamang pagdala ng kalasingan para hindi ako mapaaway. - Natutunan ko na pag dis-oras ng gabi e lesser evil ang mag-jaywalk sa Espana kaysa maka-engkwentro ako ng holdaper sa overpass. - Natuto akong makibagay at gumamit ng diplomasya sa mga otoridad na iba’t-iba ang kulo ng utak. - At oo, natuto akong mag-disenyo ng mga bahay at gusali. Sinabi nga ni Herbert Spencer, “Education has for its object the formation of character." Tama pala ‘yung tatay na character sa Calvin and Hobbes. Pag tinatanong ng anak n’ya kung bakit kailangan gawin ‘yung mga hindi masayang gawin e sinasagot n’ya ng, “Because it builds character." So, nasayang ba ‘yung oras ko sa kolehiyo? Sulit, pare.


Single Item for ₱400.00


Category: Comics & Graphic Novels

Publisher: Pol Medina

Cover Price: N/A

ISSN : na

On-Sale-Date: 2014/01/20

Print Length: 139 pages

Country: Philippines

File Size : 223.88 MB

Language: Tagalog

Interactive Size : N/A


Customer Reviews

Average Rating:

0.0

out of 5 stars

Your rating


You might also like

  • Pugad Baboy 22

  • Pugad Baboy 24

  • Pugad Baboy 9

  • Pugad Baboy 25

  • Pugad Baboy 19